Bertram Lim
Praktikal na Pagdidisipulo para sa Kabataan (Updated)
Praktikal na Pagdidisipulo para sa Kabataan (Updated)
Couldn't load pickup availability
Para sa iyo ba ang aklat na ito?
Kung hindi ka pa nananampalataya kay Jesu-Cristo pero nais mong matuklasan ang katotohanan, para sa iyo ang aklat na ito. Katulad mo si Benny na pinag-iisipan nang maigi ang mga tanong tulad ng: "Ang lahat ba ng relihiyon ay patungo sa iisang Diyos?" at "Paano ako makakatiyak na Diyos nga si Jesus?"
Kung bagong mananampalataya ka ni Jesu-Cristo at gusto mong lumago sa iyong buhay-espirituwal, para sa iyo ang aklat na ito. Matututunan mo kung paano makikilala ang Diyos, paano iibigin ang Diyos, paano ipapakita ang pag-ibig sa Diyos sa pamamagitan ng pag-ibig sa iyong kapwa, at kung paano makakapamuhay nang matagumpay sa Diyos.
Kung matagal ka nang mananampalataya, matagal ka nang pumupunta sa iglesya ngunit nararamdaman mong hindi mo nararanasan ang ganap na buhay kay Jesu-Cristo, para sa iyo ang aklat na ito. Ang katulad mo'y si Alfred.
Kung matatag ka nang Cristiano at nais mong makatulong sa iba upang sila'y maging disipulo rin ni Jesu-Cristo, para sa iyo ang aklat na ito. Katulad mo si Jerry habang sinasagot ang mga tanong nina Alfred, Benny, Carl at Dan, at kung paano niya pinangungunahan ang grupo tungo sa pagiging matatag na disipulo ni Jesu-Cristo.
Share
